
For the first time, magtatambal sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at kapwa Sparkle artist na si Sanya Lopez.
Magiging co-stars kasi sila sa isang espesyal na episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Very intense daw ang role para kay Alden dahil gaganap siya bilang taong may dystonia, isang kundisyon kung saan nagkakaroon ng involuntary muscle spasms ang isang tao.
"Kumbaga sinira noong condition niya 'yung mga pangarap niya sa buhay. And yet at the end of the day, sarili mo 'yung tutulungan mo," bahagi ni Alden tungkol sa kanyang role sa episode.
Sanay naman daw si Sanya sa gumanap sa mga kuwento na ganito ang tema pero naninibago pa siya sa kanyang co-star dahil mas sanay siyang makita si Alden bilang romantic lead.
"First time ko rin na makaka-partner si Alden sa ganitong klaseng mga tema," bahagi ng aktres.
Sunud-sunod rin ang mga proyekto ni Alden tulad ng upcoming movie niya kasama si Megastar Sharon Cuneta pati na ang Five Breakups and a Romance kung saan katambal naman niya si Julia Montes.
Host din si Alden ng upcoming talent competition na Battle of the Judges na magsisimula na sa July 15.
"It's world class perfomances. Nag-champion na sila sa iba-ibang fields so hindi lang 'to kantahan at sayawan. We have other acts as well," paliwanag ni Alden.
Si Sanya naman, busy sa pagpapa-expand ng bahay niya sa Quezon City. Bukod dito, nakabili na rin siya ng beach lot sa Palawan.
"Sana lahat mapatayuan ko na ng bahay. Alam mo naman, goal natin 'yan," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan sa video sa itaas.
Samantala, abangan sina Alden Richards at Sanya Lopez sa espesyal na episode ng #MPK, soon on GMA.