
Tila 'start of a new friendship' ilarawan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Unkabogable Star Vice Ganda ang kanilang pagsasama sa unang pagkakataon.
Kamakailan ay naibalita na si Alden ang magiging unang guest ni Vice Ganda sa upcoming comedy talk show na Gandang Gabi Vice new season.
Hirit ng Kapuso star na mas makikita ng viewers ang kanyang “true self” na may konting pagka-“naughty” sa programa.
Pero dagdag ni Alden, "I think the serious parts are the ones that they should watch out for kasi something personal."
Inamin din ng Kapuso star na looking forward siyang makausap si Vice Ganda nang mas matagal. Kaya naman, very excited siyang makasama sa talk show.
"Senior ko si Vice, and then paying my respects to her. Right after this episode, nagbago na because of how she made me feel and maybe how I made her feel," aniya.
Mula sa pagkaka-starstruck kay Alden noong 2017, masaya rin ang Unkabogable Star na mas makilala at makausap ang aktor sa taping.
"Nag-aaya siya lumabas. Sabi niya, 'Ituloy natin 'yung kuwentuhan tutal nag-share na ako sa'yo e... Marami pang gusto kong i-share sa'yo,'" ani ng comedian.
"Mas madalas silang magkasama ni Ion (Perez) kaysa sa akin dahil magkasama sila palagi sa [pagbi-bike]," kuwento pa niya.
READ: Alden Richards turns passion for cycling into Fun Ride PH
"Pero ngayon, I would like to believe na na-start na. Nakasa na 'yung magandang relationship." Mapapanood si Alden Richards sa pilot episode ng Gandang Gabi Vice ngayong Linggo, September 13, 10:00 PM.
Silipin ang most swoon-worthy photos ni Alden Richards sa gallery na ito: