
Inilarawan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards bilang isa sa pinakamahirap na bike rides ang pagsabak niya sa Stelvio Pass sa Italy.
Gayunpaman, proud si Alden na nakumpleto niya ang ride sa matarik na rutang ito.
"With cycling, that is something I can say na akin lang siya. 'Yung experience ko sa pagba-bike, that's one thing I can say that is solely mine--the skills, the strength, my bicycle. When I was cycling, the only thing that mattered was me, my bike, and the road ahead," paggunita niya.
Nagsimulang mag-bike si Alden para sa kanyang mental health at limang beses sa isang linggo siya kung mag-cycling.
Bukod dito, nagsisimula na rin daw siyang maghanda para sa pagsabak sa isa pang sport.
"Since I wanted to start my triathlon era next year, I am gonna be breaking in the disciplines one by one this year. And then next year, I'll start training. I want to do it slow. Ayoko siyang madaliin kasi nga baka ma-half bake," kuwento niya.
Ang triathlon ay binubuo ng tatlong magkakaibang sports, kabilang ang biking, running, at swimming.
Nahilig na si Alden sa pagtakbo at sa pagba-bike kaya mukhang paglangoy ang kailangan niyang mas tuunan ng pansin.