
Noong holiday vacation, quality time kasama ang pamilya sa US ang naging pahinga ni Alden Richards bago sumabak sa kanyang upcoming projects.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Huwebes, January 8, nakabalik na sa Pilipinas si Asia's Multimedia Star matapos ang dalawang linggong bakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Amerika.
“Hindi kami masyado lumabas sa area, so there were no planned long trips. Nandoon lang kami most of the time sa bahay tapos kain lang sa labas,” kuwento niya.
Nagpapasalamat naman ang aktor dahil nagkaroon siya ng mas maraming oras kasama ang kanyang pamilya noong holiday.
“It's really more of having quality time with family, kasi ayun 'yung medyo nawala last year, and also ayun din 'yung isa sa mga nagiging recharge moments ko,” sabi ng aktor.
Ngayong nagbabalik na sa Pinas si Alden, magiging abala na siya sa kanyang comeback project at sa kanyang upcoming Kapuso medical series na Code Gray.
Mayroon din siyang international film na Big Tiger, kung saan gaganap siya bilang isang kontrabida at isa rin siya sa mga producer ng pelikula.
Makakasama ni Alden sa pelikula ang fellow Kapuso star na si Max Collins at ang international actors na sina Byron Mann, Katherine McNamara, at Luke Goss.
Panoorin dito ang buong panayam ni Alden Richards:
RELATED GALLERY: Alden Richards's most swoon-worthy photos