GMA Logo Alden Richards, Bea Alonzo, at Rayver Cruz
What's on TV

Alden Richards, Bea Alonzo, at Rayver Cruz, live na makikipagkuwentuhan mamaya sa Kapuso Stream

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 2, 2024 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NGCP puts Visayas grid on yellow alert
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction
Mga pulis, sangkot sa nakawan at saksakan! | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards, Bea Alonzo, at Rayver Cruz


Sabayang manood sa pagsisimula ng giyera sa GMA Prime ang mga bida ng 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko.'

Kasabay ng pagsisimula ng giyera sa tatlong programa ng GMA Prime, makikipagkuwentuhan din ang mga bida ng Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko sa live viewers na nakatutok online via Kapuso Stream.

Sa Pulang Araw, makikipagkuwentuhan ang mga bida nitong sina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Tirllo sa mga manonood, kasabay ng simula ng pananakop ng dayuhan sa Pilipinas.

Sa Widows' War naman, mabubuhay muli sina Benjamin Alves at Rafael Rosell para pag-usapan ang nakakapanabik na eksena mamayang gabi. Makakasama nila sa diskusyon sina Bea Alonzo, Carla Abellana, Rita Daniela, at Jean Garcia.

Sa Asawa Ng Asawa Ko, timeout muna sa pag-aaway ang mga bida nitong sina Rayver Cruz, Liezel Lopez, Joem Bascon, at Kylie Padilla para makipagkulitan sa mga manonood online.

Sa pagdating ng giyera sa Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko, it's an all-out war gabi-gabi sa GMA Prime!

Panoorin ang GMA Prime simula 8:00 P.M. sa GMA at Kapuso Stream.