
Best actor si Alden Richards kahit sa panggu-good time!
Ang Asia's Multimedia Star ang naging special guest sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, November 1.
Apat ang nabiktima ni Alden sa “Pranking in Tandem” segment.
Nagpa-audition kasi siya ng mga nais maging stunt double niya.
Pasado kaya sila kung si Alden ang mismong kikilatis sa kanila?
Marami ring ibinuking si Alden hindi lang tungkol sa kanyang sarili, kundi pati na rin kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros nang sagutin niya ang mga nakaka-intrigang questions sa “Feeling the Blank” segment.
Ibang level naman ang entertainment na hatid sa “Dear Boobay and Tekla” dahil ang Mash-up Queen na si Ate Gay ang sumagot at nagbigay-payo sa letter senders ng fun-tastic duo.
Samantala, gumanap naman sina Boobay at Tekla bilang ang magkapatid na pinaghiwalay ng World War II na sina Lolo Bestra at Lolo Tonyo sa kanilang parody ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
May special participation pa rito ang Philippine Queen of Comedy na si Aiai delas Alas na gumanap bilang ang kanilang 108 years old na ina na si Magdalena.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!