
Isa si Alden Richards sa mga naging nakakatuwang meme noong 2024.
Sa kanyang guesting sa Gandang Gabi Vice, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star ang kuwento sa likod ng viral “Baguio” moment sa kanyang hosting stint sa Miss Universe Philippines 2024.
Marami ang natuwa sa kanyang hosting dahil sa pagsigaw niyang tawagin ang representative ng Baguio.
"Ang problema kasi, 'yung audio sa MOA Arena, iba 'yung timpla sa naka-out online, sa YouTube," paliwanag niya.
Ayon kay Alden, hindi raw tugma ang tunog sa Arena at sa livestream kaya siya napasigaw.
"So, ako kaya ko siya sinisigaw, ang laki nung Arena e. Walang monitor," aniya.
Dagdag niya, "Hindi ko alam kung working 'yung monitor pero sa loob ng MOA, okay. Nagsisisigaw na pala ako sa livestream."
Si Alden ang nagsilbing kauna-unahang guest sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, September 13.
Mapapanood naman si Alden sa romantic comedy series na Love, Siargao simula September 28 sa GMA.
Bibida rin si Alden sa upcoming medical drama series na Code Grey soon sa GMA.
RELATED GALLERY: Alden Richards's most swoon-worthy photos