GMA Logo Alden Richards
Source: aldenrichards02/IG
What's Hot

Alden Richards, bukas sa criticisms para mag-improve bilang isang direktor

By Kristian Eric Javier
Published October 13, 2025 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Sa kabila ng tagumpay ng pelikula niyang 'Out of Order,' patuloy pa rin si Alden Richards sa pagbabasa ng opinyon ng mga tao tungkol sa pelikula.

Isang breakthrough para kay Asia's Multimedia Star Alden Richards ang kaniyang directorial debut para sa drama-thriller film na Out of Order.

Sa panayam kay Alden ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, October 12, sinabi ng aktor na malaki ang pasasalamat niya sa ilang taong pagmamasid ng mga kaganapan sa likod ng kamera, lalo na at wala naman siyang pormal na training sa pagiging direktor.

“Punong-puno na 'yung pagiging aktor, nililipat ko siya ngayon sa pagdi-direct because it's been 15 years and ang dami ko na ring nagawa, ang dami ko nang nakatrabaho, and lahat kasi ng mga nakikita ko, nagmamarka sa'kin,” sabi ni Alden.

“Eventually, nagiging stock knowledge ko pala siya and all of that was applied when I did 'Out of Order',” pagpapatuloy ng aktor.

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAUPO NA RIN SA DIRECTOR'S CHAIR SA GALLERY NA ITO:

Naabot ng pelikula ang number one spot sa streaming platform na Netflix. Ngunit ayon kay Alden, hindi ito nangangahulugan na kampante na siya. Sa katunayan, sinusubukan niyang basahin ang mga papuri at puna online tungkol sa pelikula

“Right now, feedback is important for me when it comes to 'Out of Order' because 'di naman puwedeng laging 'yung magaganda lang 'yung tinitingnan natin. I take it as good points to learn,” ani Alden.

“I filter, and then I take it into account para at least, for the next, mas swabe na 'yung storytelling natin,” pagpapatuloy ng aktor.

Unang napanood ang Out of Order sa competition section ng 3rd Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam noong June 29 hanggang July 5. Nitong October 2, nag-premiere naman ang pelikula sa streaming service na Netflix.

Bukod sa pagiging direktor ng pelikula, bumida rin dito si Alden kasama sina Heaven Peralejo at Nonie Buencamino. Nakasama rin nila dito sina Soliman Cruz, Andrea del Rosario, Joyce Ching, Nicco Manalo, Francine Garcia, at Yayo Aguila.

Panoorin ang panayam kay Alden dito: