
Noong nakarang buwan, nag-open up si Asia's Multimedia Star Alden Richards tungkol sa estado ng kanyang mental health.
"Kung mayroon pang mas mababa sa rock bottom, I was there. Hindi naman siya clinically diagnosed but that was depression at its finest," pahayag niya sa isang nakaraang interview.
Ngayon, mas mabuti na daw ang lagay ni Alden at natutunang nang i-manage ang kanyang stress sa mga pinagdadaanan.
"I have never been better, right now, after recovering from that. Actually, in our daily lives, hindi mo naman talaga sasabihing naka-recover ka eh. I mean, in situations like that, hindi mo masabing 'Okay na 'ko.' Hindi siya ganoon," lahad ng aktor.
"Sabi nga ni Ancient One sa Doctor Strange film, 'You never really lose your demons. You just learn to live above them.' I'm above my demons right now. I know how to manage them," pagpapatuloy niya.
Nagawa raw ito ni Alden nang matutunan niyang gawing priority ang personal well-being at goals niya.
"Always treat yourself and make yourself feel special. Do not forget that," paalala niya.
Malaki din daw ang naitulong ng pagiging physicaly active ni Alden. Matatandaang nahihilig siya ngayong sa iba't ibang sports tulad ng biking at running.
"During my lowest, pinipilit ko siya. Even with the days na ayokong bumangon, pinipilit ko siya until such time na hinahanap na siya ng katawan ko. Right now, I'm more present. I'm more present for myself so I can present for other people," paliwanag niya.
BUKOD KAY ALDEN RICHARDS, ALAMIN KUNG SINO PANG MGA CELEBRITIES ANG NAG-OPEN UP TUNGKOL SA KANILANG MENTAL HEALTH DITO:
Samantala, excited na rin si Alden para sa kanyang directorial debut film na Out of Order na magiging ng 3rd Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam.
"Umiyak ako niyan in secret when I got the news. They were very glad to know na ito 'yung very fuist directorial job ko. It's a newbie director and they're a fan of that. Gustung gusto nila 'yung new blood. Hopefully sana, kahit papano, manalo tayo ng award," sabi ni Alden.
Nakatakda rin na lumipad si Alden patungong Amerika para sa isa pang pelikula.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.