
Ipinagdiwang ni Alden Richards ang kanyang 34th birthday nitong Biyernes, January 2.
Sa "Chika Minute" report ni Iya Villania-Arellano para sa 24 Oras, ipinagdiwang ng Sparkle actor ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya niya sa U.S.
Sa Instagram, ibinahagi ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson ang video ng birthday dinner ng una sa kanilang tahanan, kung saan sila'y sama-samang nagdarasal at kabilang sa hiling nila ay patuloy pang biyayaan ang aktor.
Nagtungo si Alden sa U.S. kasama ang pamilya niya matapos ang kanyang matagumpay na ultimate fan meet na “Moving ForwARd: 15 years of Alden Richards,” na selebrasyon din ng kanyang 15th year sa showbiz.
RELATED GALLERY: Alden Richards marks 15 years in showbiz with star-studded 'ARVXAlden15' concert
Bukod dito, labis ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan at sa panibagong taon.
"Thank you for all the greetings! Grateful for another year! GOD is great!" sulat niya.
PHOTO COURTESY: aldenrichards02 (Instagram)
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ito.