What's Hot

Alden Richards describes Maine Mendoza as "selfless and simple"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 21, 2020 3:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Classes, trips in parts of Surigao provinces cancelled due to Ada 
Baguio warns public over mayor’s compromised phone number
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



"We're very close. Napakadaling niyang kausap, walang arte... She's a girl, that's it. Very raw and selfless and simple girl na madaling abutin."


By AEDRIANNE ACAR

Maraming mga fans nila Alden Richards at Maine Mendoza ang curious kung totoo ba ang mga kumakalat na bali-balita na nahuhulog na ang loob nila sa isa't-isa.

Binigyan linaw ito ng Pambansang Bae sa dinaos na blogger’s conference para sa pelikula nilang 'My Bebe Love' kahapon (December 2).

In Photos: Mga Kapamilya at Kapatid stars tutok din sa AlDub
    
Ano ang sagot ni Alden sa tanong ng isang entertainment blogger kung puwede niyang maging GF si Maine Mendoza?

'My Bebe Love' movie of AlDub wraps up shooting

Sa panayam ng GMA News Online sa Kapuso hottie, sinabi nito na nasa getting to know stage pa lang ang kanilang relasyon.

Saad ng aktor, "Getting to know each other pa rin kami. There's a lot to know for both of us."

Inisa-isa pa nga ni Alden ang mga qualities na nagugustuhan niya sa kapareha. 

"We're very close. Napakadaling niyang kausap, walang arte... She's a girl, that's it. Very raw and selfless and simple girl na madaling abutin."

Dagdag pa niya, "Wala pa rin siyang pinagbago. Whenever we see each other, we always goof around. 'Yun 'yung isa sa traits niya na nagustuhan ko."

Ilang tulog na lang AlDub Nation at mapapanood niyo na ang highly-anticipated movie nila Alden at Maine na 'My Bebe Love' sa darating na December 25.

Makakasama din nila dito ang mga kinikilalang haligi ng Philippine comedy na sina Bossing Vic Sotto at Aiai delas Alas.

Bukod pa diyan, inanunsyo na ng director nito na si Jose Javier Reyes, na ang mga Pilipino abroad ay may chance na rin mapanood ang pamaskong regalo ng AlDub in at least 10 cities starting January 1, 2016.

READ: '2015 MMFF entry 'My Bebe Love' will be shown worldwide