Naghahanda na para sa nalalapit na Sparkle World Tour ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kagabi, Hulyo 19, sinabi ni Alden Richards na ito ang unang pagkakataon na magtatanghal siya sa labas ng bansa matapos ang kaniyang Forward World Tour digital concert noong 2022.
“Parang ang last out of the country kong performance was during the Forward World Tour digital concert ko na dinala natin abroad so nakaka-miss din. I think giving entertainment to the Filipinos abroad is iba rin 'yung ligayang nabibigay,” sabi niya.
Makakasama niya sa US Tour sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ai-Ai Delas Alas, Isko Moreno, at Boobay. Makakasama rin niya sa Canada Tour sina Isko at Boobay.
“Masaya, magulo, makulit, 'yan ang nararamdaman ko na mangyayari dito sa global [tour] namin na 'to but nonetheless, happy, looking forward kami to see our global Pinoys,” sabi niya.
BALIKAN ANG NAGING SUCCESSFUL NA 'SPARKLE GOES TO CANADA' TOUR SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa Sparkle Tour, excited na rin si Alden para sa nalalapit na GMA Gala 2024. Aniya, maituturing na collaboration at gathering of stars ang nasabing event kaya looking forward siya dito.
“It's really a collaboration and gathering of stars so 'yung 'yung nilu-look forward ko na everyone from the network and of course du'n sa mga iba nating kapitbahay na network, nasa isang bubong, all together, glammed up, being able to talk to each other, and catch up,” sabi niya.
Samantala, mixed emotions rin si Alden Richards para sa nalalapit na premiere ng inaabangang historical drama series na Pulang Araw. Ipapalabas ito sa Netflix sa Hulyo 26, at sa GMA sa Hulyo 29.
“Fulfilled pero mas grateful po kami sa pagtanggap ng ating mga Kapuso. Happy kami with the turn outs of our project because lahat po ito ay galing sa puso at para sa bayan,” sabi ng aktor.
Panoorin ang buong interview ni Alden Richards dito: