
Aminado si Asia's Multimedia Star at Centerstage host Alden Richards na magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya para sa kanyang nalalapit na anniversary concert sa December 8.
Bilang selebrasyon ng 10th anniversary niya sa showbiz ay magdadaos si Alden ng kauna-unahang virtual reality concert sa bansa, ang “Alden's Reality: The Virtual Reality Concert.”
Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Alden na mismong siya ay namamangha sa rehearsal nito dahil gagamit ng bagong technology para sa concert.
“Sabi ko, 'Ang galing! Ang galing pala nito. Ang ganda pala nito.'
“Natapos na 'yung kaba, more on very excited ako ngayon na magkakaroon ng first-ever virtual reality concert dito sa 'Pinas,” lahad niya sa 24 Oras interview.
Ang direktor ng naturang concert ay si Paolo Valenciano.
Kasabay nito ay sinorpresa rin ng actor-host ang kanyang fans nang ianunsiyo niyang magre-release siya ng bagong single sa araw ng concert.
“Para sa mga single na nagawa ko, this is gonna be one of my favorites. Sobrang excited ako marinig nila ito 'to at makita nila 'to kung paano ko siya ipe-perform. It's under GMA Music and makikita nila 'yan firsthand on December 8,” sabi pa ni Alden.
Natutuwa rin siya dahil halos sold-out na ang kanyang anniversary concert. Mabibili pa rin ang tickets online sa www.gmanetwork.com/synergy.
Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.