
Isa si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa mga sumuporta sa recent closet sale event ni Heart Evangelista.
Sa report ni Aubrey Carampel sa '24 Oras' noong Lunes, October 19, ibinahagi ni Alden ang pagdalo niya sa event ng 'The People Have Spoken' host, na itinuturing niyang malapit na kaibigan.
Ikinuwento rin ni Heart Evangelista na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ni Alden Richards dahil pareho silang pet lovers.
"Madami kaming in common. Mahilig siya magpulot ng aso. So, 'yan nakakuha na naman siya ng aso," kuwento ni Heart.
Para naman kay Alden, mahalaga sa kanilang pagkakaibigan ang pagkakapareho nila ng energy at connection.
"So, things in common. You know, 'yung energy kasi ng mga tao, I think that's what really matters. 'Yung connection kasi," pahayag niya.
Dagdag pa niya, "So, sometimes those moments happen na unspoken. So, I think kasi palagay ako sa kanya, palagay si Heart sa akin."
Si Heart Evangelista ay isa sa mga host ng 'The People Have Spoken,' na nagtapos noong October 17.
Samantala, mapapanood si Alden Richards sa 'Love, Siargao' tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Prime at 11:28 p.m. sa GTV.
Abangan din si Alden Richards sa upcoming medical drama series na 'Code Grey,' soon sa GMA.
RELATED CONTENT: Tingnan dito ang iba pang celebrity friendships: