
Mapapanood si Asia's Multimedia Star Alden Richards ngayong Sabado sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Epal Dreamboy," gaganap si Alden bilang vlogger at influencer na si Richard.
Madalas ma-bash si Richard dahil tila ipinagyayabang niya ang kanyang mga materyal na posesyon sa social media.
Pero bago pa man nakamit ang karangyaang tinatamasa niya, galing siya sa isang simpleng pamilya.
Sa katunayan, siya pa ang breadwinner kaya sumabak siya sa iba't ibang trabaho para masuportahan ang mga ito.
Paano nakamit ni Richard ang kanyang tagumpay? Ano kaya ang gagawin niya matapos makamtan ang tagumpay na ito?
Bukod kay Alden, dapat ding abangan ang powerhouse cast ng episode kabilang sina Mon Confiado, Lotlot de Leon, Rolando Inocencio, Denise Barbacena, Victor Anastacio, at Roxie Smith.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang natatanging pagganap ni Alden Richards sa "Epal Dreamboy: The Richard Licop Story," December 20, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.