
Ngayong Father's Day, sinusulit ng lahat ang pagkakataon para pasalamatan at ipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga ama.
Katulad ng netizens, super greatful ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards sa kaniyang ama na si Richard Faulkerson.
Sa isang interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Alden ang kaniyang best experience kasama ang kaniyang ama.
Para kay Alden, ang pagiging business partner ng kaniyang ama ay isa sa mga best moment nila bilang mag-ama. Nakikita kasi ng Kapuso actor ang mga iba't ibang sides ng kaniyang tatay kapag sila'y nagtutulungan sa trabaho.
Aniya, "I think one of the best experiences I have with my father at the moment is 'yung pagiging business partner. I've known my dad for 32 years, since I'm 32 years old, wala na sa kalendaryo 'di ba? But every day kasi I get to discover different facets of him more than being a father to us."
Natutuwa rin si Alden na makatrabaho ang kaniyang ama.Tila raw nakaka-proud na makita niya ang kaniyang tatay na magbigay ng mga ideya para sa kanilang business.
"Masarap sa experience na I get my dad to assist me in the business ventures that I'm going to para makapagbigay ng sarili niyang input with a lot of things so doon ako pinaka-proud at the moment," sabi ni Alden.
Super grateful ang aktor sa kaniyang ama dahil kung wala ang tulong niya, hindi lalago ang kaniyang mga business dahil sa kaniyang schedule bilang artista.
"Because of him isa siya sa mga factor kung bakit despite being busy in the showbiz industry nakakagawa pa rin ako ng side hustles like that," aniya.
RELATED CONTENT: Celebs who are proud to be raised by awesome single parents