
Sa kabila ng kanyang busy schedule para sa kanyang upcoming projects, hindi nakakalimutan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na maglaan ng oras para sa kanyang mga negosyo at hobbies.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Huwebes, June 18, ibinahagi ng aktor na pinaghahandaan na niya ang pagse-settle down, kaya nananatili rin siyang abala sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo.
"I think ito 'yung tamang moment na to seize the moment din, and thank every opportunity that presents itself," sabi niya.
Dagdag niya, "Kasi medyo nandoon na tayo sa securing the safety nets e, para eventually, you know, kapag may point now, or there would come a point that needs na kailangan ko ng mag-settle down, ready na tayo."
Ngunit sa ngayon, inamin ni Alden na marami pa siyang kailangang paghandaan bago bumuo ng sariling pamilya.
"Sa ngayon, marami-rami pa. Marami pa tayong paghahandaan, pero very much looking forward and grateful for all the things [that are] happening, and nakakatuwa lang kasi, you know, nandito pa rin tayo," paliwanag niya.
Nagpasalamat din siya dahil, sa tagal niya sa industriya, marami pa rin ang naniniwala at sumusuporta sa kanya.
"May mga taong naniniwala pa rin sa atin. I am just looking forward for all the things that could offer the audience, mga Kapuso natin, most especially," aniya.
Mapapanood si Alden sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey, kung saan gaganap siya bilang doktor. Makakasama niya sa serye sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Andrea Torres, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Magkakaroon din ng first-time on-screen pairing sina Alden at Nadine Lustre sa upcoming romantic comedy series na Love, Siargao, na ipapalabas sa Viu simula June 26.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz