What's Hot

Alden Richards, handang gumawa ng mature project with Regine Velasquez

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa pagiging co-host ng Asia's Songbird sa 'Bet ng Bayan,' handa rin ang Kapuso star na si Alden Richards na gumawa ng mature project with Regine.
By AEDRIANNE ACAR & MERYL LIGUNAS


PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Umamin ang Kapuso drama actor na si Alden Richards na may "ilang" factor siya sa co-host niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa Bet ng Bayan.
 
Ayon kay Alden, beteranong host na ang Asia's Songbird. Hindi lang ng mga talk shows kundi pati rin ng mga talent search competitions. Kaya kahit papaano ay na-intimidate siya rito.
 
Ani Alden, “Siyempre noong una, may ilang kasi Ms. Regine is Ms. Regine. Kumbaga, kung meron akong hihingan [ng advice], si Ms. Reg po 'yun when it comes to hosting.”
 
Pero napawi raw ang lahat ng kanyang agam-agam dahil napaka-supportive ng Kapuso diva sa kanya. Mas naging madali raw ang pagiging host ng pinakamalaking talent search competition ng GMA-7 with the help of Ms. Regine.
 
“Pero kumbaga, tinutulungan po ako ni Ms. Reg in a way na hindi niya na kailangan ituro sa akin kundi pinapakita na lang po niya. Binubuksan niya po 'yung pinto, papasok na lang ako. Parang ganun po, the way we work together. So I'm very thankful na Ms. Regine is making everything so easy for me.”
 
Sa tanong na kung handa ba siya makipagsabayan with the Songbird sa isang mature project?
 
Sagot niya, “Yes. Kasi 'pag gumawa naman ng project trabaho lang naman po. Nothing will go to the personal level as long as it's a good project. Hindi naman po kabastos bastos.”