
Ibinahagi ni Asia's Multimedia star Alden Richards na bilib siya sa mga batang kalahok sa pinakabagong reality singing competition for kids ng Kapuso network, ang Centerstage, na nagsimula nang umere kahapon, February 16.
Bukod sa mahilig siya sa mga bata, inamin ni Centerstage host Alden na tinanggap niya ang proyekto para mas mapalawak pa ang kanyang kaalaman pagdating sa showbiz.
“I took this challenge kasi para may growth naman. Maka-explore naman tayo ng ibang anggulo ng puwedeng gawin,” aniya.
Bukod dito, inihayag ni Alden ang kanyang paghanga sa mga batang kasali sa nasabing singing competition.
“At this age, ganito ka na mag-perform, what more if you reach a certain age, if you get older.
“Kaya nakakabilib, nakaka-proud talaga na witness ako du'n sa mga talentong 'yon,” dagdag pa actor-TV host.
Proud din si Alden na makasama sa Centerstage ang co-host niyang si Betong Sumaya at ang mga magagaling na judge na sina Concert Queen Pops Fernandez, Kapuso vocal powerhouse Aicelle Santos at batikong musical director na si Mel Villena.
Bukod dito, ipinagmalaki rin ng Kapuso star ang unique at original concept ng Centerstage.
“It's an original concept of GMA na kapag nakita n'yo magmumukhang franchise.
“Mukha siyang binili sa isang international company. But this is original, we're very proud of it,” sabi pa ni Alden.
Panoorin ang buong 24 Oras report:
READ: Alden Richards says 'Centerstage' is looking for successors
LOOK: 'Centerstage' drops its comical Viber stickers