
Sa mas patindi nang patindi na performances sa Stars on the Floor 2026, may mga dance star na naging kapansin-pansin para kay Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Ayon sa report sa 24 Oras noong Lunes, March 23, ibinahagi ng Stars on the Floor 2026 host na humanga siya sa galing nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith sa dance floor.
“Of course, I know they can dance. Rocco is a good dancer. Jasmine is a good dancer as well. But with the performance they are showing right now dito sa Stars on the Floor, I've never seen them do choreographies and styles, and dances like what they are doing now,” sabi ni Alden.
Dagdag pa niya, “So, sobrang nakakagulat lang.”
Hindi rin napigilan ni Alden ang kanyang excitement sa nalalapit na pagbuo ng final dance star duos para sa mas level-up na COLLABanan.
“We're almost going towards the permanent team-ups ng mga dance star duos natin, and with the challenges right now, you know, it's anybody's game,” pahayag niya.
Samantala, kamakailan lang ay sumabak si Alden sa kanyang pinakaunang triathlon relay sa Ironman 70.3 Davao kahit abala sa kanyang mga proyekto.
Patuloy na tutukan si Alden at ang high-energy performances ng dance star duos sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, kilalanin dito ang iba pang celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026: