What's Hot

Alden Richards, humingi ng payo sa kanyang tunay na Lola?

Published November 24, 2015 7:13 PM PHT
Updated July 6, 2020 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richard with his father and lola


Ibinahagi ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Sr. na kasama ng kanyang anak ang tunay nitong Lola.

By CHERRY SUN

Kahapon (November 23) ay biglang um-exit si Alden Richards sa kalye-serye ng 'Eat Bulaga.' Naguguluhan daw ang Pambansang Bae dahil sa sapilitang kasal niya kay Cindy na pinlano ng kanyang Lola Babah.

WATCH: Yaya Dub, inimbita ni Cindy sa kasal niya kay Alden Richards

Wala pa rin ngayong araw si Alden sa kalye-serye dahil kailangan pa raw niya ng oras para mas maliwanagan sa mga nangyayari.

Hindi man napanood ngayon si Alden sa kalye-serye ay makikita sa litratong ibinahagi ng kanyang ama na si Richard Faulkerson, Sr. na kasama ng kanyang anak ang tunay nitong Lola. Hirit ni Daddy Bae, "Kinakausap lang namin si Lola niya, humihingi ng payo!"