What's Hot

Alden Richards, ibinahagi ang kanyang favorite dish sa kanyang restaurant

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 1:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Kuwento ng business partner ng actor na si Chef Gemma Sembrano, ang Laoya ay ang soup dish with a twist na perfect sa weather ng Tagaytay City.


Nitong Sabado (June 18) sa Sarap Diva, ibinahagi ni Alden Richards ang ilang detalye sa kanyang restaurant na Concha's Garden Café.

Look: Alden Richards, Maria Isabel Lopez, Ate Gay, Analyn Barro, at Kevin Sagra in 'Sarap Diva'

Matatandaang nitong Abril, ibinalita ang bagong business venture ng Pambansang Bae sa publiko.

Read: Is this Alden Richards's new restaurant in Tagaytay?

Kuwento ni Alden kay Regine Velasquez-Alcasid, maganda ang location at food choices ng Concha's Garden Café. Aniya, "Bukod sa masarap ang pagkain, maganda pa po ang ambiance kasi may overlooking po siya sa Taal Lake."

Ibinahagi rin ni Alden ang kanyang favorite dish mula sa kanilang menu, ang Laoya.

Watch: Sarap Diva: Alden Richards' new restaurant

"Ako po kasi paborito ko lahat pero gusto ko po kasing humigop ng sabaw siyempre kapag malamig ang panahon. Tapos overlooking Taal."

Kuwento ng kanyang business partner na si Chef Gemma Sembrano, ang Laoya ay ang soup dish with a twist na perfect sa weather ng Tagaytay City.

Aniya, "'Yung Laoya po namin is one of our bestsellers. Meron po siyang medyo kulay 'yung sabaw namin unlike other nilaga. Meron pong kulay ng medyo mapula 'yung aming sabaw. Then meron din po siyang vegetables and lightly sweetened po siya and meron din po siyang Laoya dip na tinatawag po natin which is kasama ng banana, kamote, and eggplant. Medyo may asim siya ng kaunti because of vinegar and garlic."

MORE ON ALDEN RICHARDS:

Aldub, nagpakilig sa theme song ng pelikulang 'Imagine You and Me'

MUST SEE: Alden Richards and Maine Mendoza exchange sweet messages on Twitter