
Isang fun adventure napanood nitong November 10 sa Amazing Earth.
Sa unang pagbisita ni Alden Richards sa Amazing Earth ay kanyang ibinahagi kay Dingdong Dantes ang ilan sa kanyang mga kuwento tungkol sa kanyang mga biyahe.
Mapa-Pilipinas man ito o sa ibang bansa, lahat tumatatak umano sa isipan at puso ng Asia's Multimedia Star. Kuwento ni Alden, "Nature trip 'yung gusto ko. Kung hindi dagat, bundok ang madalas. Inaakyat ko yung bundok then minsan out of the country to see nature.
Sa kanyang mga biyahe, gusto ni Alden na nakakasama ang kanyang pamilya.
"I really enjoy the time na nadadala ko yung pamilya ko abroad. Kasi never nangyari sa amin 'yun, Kuya Dong. Growing up, parang suntok sa buwan na pangarap lang yun sa amin. It's really meaningful to me whenever I am able to bring them out of the country. 'Pag ako naga-abroad, walang value kung hindi ko sila kasama."
LOOK: #ALDENonAmazingEarth trending sa social media