GMA Logo Baeby Baste and Alden Richards
Celebrity Life

Alden Richards, idol ni Baeby Baste pagdating sa pagiging fit and healthy

By Jimboy Napoles
Published May 25, 2022 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Baeby Baste and Alden Richards


Nagbigay din ng payo si Baeby Baste para sa mga kabataan gaya niya na gustong mag-exercise. Kung ano ito basahin DITO:

Nakabalik na sa Pilipinas ang child actor at host na si Baeby Baste matapos ang limang buwan na bakasyon ng kanilang pamilya sa Amerika.

Sa kaniyang pagbabalik sa bansa, pagtutuunan daw ng pansin ni Baste ang pagiging fit and healthy.

Aniya, "Galaw-galaw po, hindi po 'yung nakatutok lang [sa gadgets], workout workout po muna ngayon.

Nagbigay din ng payo si Baste para sa mga kabataan gaya niya na gustong mag-exercise.

"Kahit po na sa bahay lang kayo mag-exercise rin po kayo, mag-watch lang po kayo ng videos sa YouTube kung paano mag-workout," payo niya.

Sa "Chika MInute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ay natanong ni Aubrey si Baste kung sino ba ang kaniyang fitspiration na mabilis din niyang sinagot.

"Si Kuya Alden [Richards], BFF ko. Hopefully po magkita rin kami," ani Baste.

Nagkasama sina Baste at Asia's Multimedia Star Alden Richards sa longest running noontime show na Eat Bulaga bilang mga host.

Aminado rin ang child actor na nami-miss niya na ang kaniyang dabarkads family.

Aniya, "Nami-miss ko na po 'yung mga dabarkads natin, 'yung mga dabarkids at siyempre po yung mga host po natin sa Eat Bulaga."

Abangan naman ang guesting ni Baste sa pinakabagong Kapuso sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa kasama sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Samantala, manggigil naman sa cute photos ni Baeby Baste sa gallery na ito: