What's Hot

Alden Richards, ipagdiriwang ang 15th showbiz anniversary sa isang fan meeting

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 6, 2025 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pulis, patay matapos barilin habang nasa lamay sa Iligan
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Marco Masa attends movie premiere with his Kuya Justin

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


Magho-host si Asia's Multimedia Star Alden Richards ng isang fan meeting para ipagdiwang ang kanyang ika-15 na taon sa showbiz.

Excited at masayang ibinahagi ni Alden Richards ang kanyang paghahanda para sa isang panibagong milestone sa kanyang buhay at career dahil malapit niya nang i-celebrate ang kanyang 15th year anniversary sa industriya.

Source: GMA Network

Nagsimula si Alden sa showbiz noong 2010 at ngayo'y patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag bilang artista. Sa kanyang ika-15 na taon, gusto niyang ipaabot ang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na humahanga sa kanya.

Ipinasilip na rin ni Alden sa kanyang post sa Instagram ang teaser ng kanyang pinaghahandaang fan meeting , ang ARXV: Moving ForwARd. Ilalabas na rin daw soon ang mga detalye nila para sa tinawag rin nilang 'Ultimate Fanmeet Experience' kasama ang Kapuso actor.

A post shared by MYRIAD Corporation (@myriadcorp01)

Sa isang panayam para sa "Chika Minute" ng 24 Oras, sinabi ni Alden na ang fanmeet na ito ay bunga ng kanyang pagka-miss sa ganitong events kasama ang fans. Isang paraan din niya ito para magbigay ng time para sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

“I never really neglected the fact that time is a very valuable gift you can give to someone, most especially to your supporters”, aniya ni Alden.

Kaya't bukod sa kanyang pag-move forward sa panibagong chapter sa kanyang buhay, magbabalik din siya sa kanyang pinagmulan sa Sta. Rosa Laguna, pagdarausan ng fan meeting. Ayon kay Alden, hindi pa siya nakakagawa ng malakihang event sa kanyang hometown sa Laguna.

“It's just a small thing to say thank you and show my gratitude to these people who have supported me especially sa mga kabayayan ko sa Sta. Rosa, Laguna”, dagdag pa ni Alden.

Source: aubreycarampel (IG)

Ayon sa Kapuso actor, may mga iba pang events at activities siyang gagawin na kaugnay sa kanyang 15th year celebration, na may kaugnayan naman sa kanyang mga sinusuportahang mga advocacies.

“The essence of everything we're doing for my 15th anniversary is giving back," ani Alden.

Ang ARXV: Moving ForwARd ay gaganapin sa December 13, 2025 sa Sta. Rosa Laguna, Multi-Purpose Complex.

Related gallery: Alden Richards's photos that scream 'CEO'