GMA Logo Alden Richards
What's Hot

Alden Richards, ipinaliwanag ang kanyang thirst trap photos sa Instagram

Published August 17, 2021 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Bakit kaya napapadalas ang pagpo-post ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ng thirst trap photos sa Instagram?

Marami ang nagulat noong mag-upload si Asia's Multimedia Star Alden Richards ng topless photos sa kanyang Instagram account kamakailan kung saan kitang kita ang kanyang abs.

Umabot ng mahigit 180,000 ang nakuhang likes ng kanyang post.

Isang post na ibinahagi ni Alden Richards (@aldenrichards02)

Kahapon, August 15, muling pinainit ni Alden ang Instagram nang ibahagi niya ang kanyang larawan habang nagwo-workout.

Isang post na ibinahagi ni Alden Richards (@aldenrichards02)

Kuwento ni Alden, puspusan ang kanyang pagwo-workout dahil pinaghahandaan niya ang magiging transformation ng kanyang karakter na si Louie sa The World Between Us.

"Base kasi sa umeere ngayon, mas advance 'yung mga nakukunan naming eksena. So this is a preparation for another transition, another transformation ng character ni Louie," paliwanag ni Alden sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

"Masarap lang din sa feeling kasi actually hindi ko naman 'to nakuha overnight, it's a conscious effort sa pagkain, sa pag-workout, maintaining a healthy lifestyle kahit may pandemic, kahit nasa bahay lang.

"Mahirap siya."

Hindi lang naman physical ang magiging pagbabago sa karakter ni Alden sa The World Between Us.

Sa episode na ipinalabas noong August 9, nakita ng mga manonood kung paano lumaban si Louie kay Brian, ang karakter na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

Kuwento ni Alden, nahirapan siya sa naging pagbabago at magiging pagbabago ng kanyang karakter mula noong inaapi-api siya hanggang sa natuto na siyang lumaban.

Aniya, "Mahirap siya pero mas ini-enjoy ko 'yung proseso niya. Doon pa lang, na-excite na ako kasi I've never done anything like this."

"In my 10 years in GMA, this is my first soap na ang daming transitions and there's a change in personality, sa trait ng character, sa itsura ng charaacter."

Isang post na ibinahagi ni Alden Richards (@aldenrichards02)

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, tingnan ang iba pang thirst trap photos ni Alden DITO: