
Sunod-sunod ang pagkilalang natatanggap ngayon ni Asia's Multimedia Star Alden Richards, patunay dito ang paggawad sa kaniya bilang Movie Actor of the Year sa 5th Village Pipol's Choice Awards.
Ang nagsabing pagkilala kay Alden ay dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikulang Five Breakups and a Romance noong 2023 kung saan nakatambal niya ang aktres na si Julia Montes.
Tinanggap din ni Alden ang TV Station of the Year award para sa kaniyang home network na GMA Network.
Kamakailan ay kinilala naman si Alden bilang Box Office King sa Box Office Entertainment Awards 2024. Kinilala naman bilang Box Office Queen ang aktres na si Kathryn Bernardo.
Noong Linggo, May 19, inanunsyo na rin ang muling pagtatambal nina Alden at Kathryn sa pelikulang Hello, Love, Again, na sequel ng kanilang 2019 hit film na Hello, Love, Goodbye.
Bukod sa pagiging abala sa kaniyang mga nakapilang pelikula, abala rin si Alden sa taping ng pinakamalaking drama ng taon ng GMA - ang Pulang Araw. Kasama rito ni Alden sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Alden kung gaano ka-espesyal ang kaniyang role sa nasabing serye kung saan gaganap siya bilang si Eduardo - isang Filipino-American na nakipagsapalaran noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.
Aniya, “I said yes to the role kasi parang the way it was - the story that will be telling the audience for Pulang Araw is something relevant to our lifetime and history.
“Kuwento 'to ng mga lolo't lola natin e, sa time noong World War II. So, ako I grew up with the stories of World War II during the Japanese occupation dito sa atin [Pilipinas]. It seems like parang nare-relieve ko 'yung role and 'yung mga pangyayaring 'yun with the role that I'll be playing here. So, isa 'yun sa pinaka-importante at mahalaga sa akin kaya ko siya tinanggap.”
Ayon pa kay Alden, transition niya na rin ito para sa mas challenging na karakter bilang isang aktor.
“For the longest time ngayon lang ako magpo-portray ng isang role na hindi ganun ka-boy-next-door, kalinis, medyo transitioning siya kasi parang 'di ba as an actor you have to be versatile with all the roles that you're portraying. Hindi puwedeng stereotype ka lang kasi nakakasawang panoorin,” ani Alden.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Alden Richards's career highlights