
Na-postpone o natigil man ang ilang plano ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards dahil sa COVID-19 pandemic ngayong 2020, nanatili pa rin na positibo ang kanyang pananaw sa paparating na 2021.
Sa panayam ni Alden sa Kapuso press ngayong Lunes ng hapon, November 9, para sa kanyang upcoming 10th anniversary concert sa December 8, sinabi ng aktor na kinailangan niyang puwersahin ang sarili na manatiling positibo sa gitna ng isang pandemya.
Paliwanag ni Alden sa GMANetwork.com, “Ang hirap kasi talagang magkaroon ng positive outlook especially given the situation, but ako I forced myself to kasi that's the only way to go.
“If masyado kong iisipin 'yung mga nangyayaring hindi maganda around us right now, siyempre bukod sa COVID, bukod sa pandemic marami pa rin naman other issues hindi lang naman 'yan.”
Binigyan-diin ng Asia's Multimedia Star na isa sa maganda naging resulta ng COVID-19 ay natutunan ng karamihan sa atin kung paano mas maging creative.
Wika niya, “But, I would say yes, I'm really more positive now kasi parang itong pandemic forced us to be more creative in many ways.
"Parang ang dami ko rin na-discover na mga bagay na akala ko 'di ko kayang gawin na kaya ko palang gawin.
“By just you know forcing myself to be more creative para I can utilize my time better, so after this pandemic and pag nalagpasan natin ito, I'm sure parang 'yung mindset natin mababago na marami pala tayong puwede gawin, marami palang puwede magawa na sa atin magi-start, sa atin magsisimula."
Lumabas naman ang excitement sa mga mata ni Alden Richards nang maitanong sa kanya ang roles na gusto pa niya gawin.
Ayon sa guwapong aktor, hindi mabibilang sa daliri ang mga characters na puwede niya pang gawin.
“Ang dami pa! Hindi pa ako nakapag-full time psycho killer, I've never done a father role. Ang dami pa, e, there's so many roles out there.
"Kasi ako talaga parang in life ang acting kasi, since acting you create an augmented reality from actual real people.
“So ang daming personalities, ang daming types of people out there na masarap gawin character in a project.
“So I think roles are infinite, hindi mo siya mabibilang sa kamay.”
Abangan ang 'Alden's Reality' concert this coming December 8, 2020 at para sa milyun-milyong fans ng actor-singer across the globe ay dapat bumili na kayo ng tickets, dahil ang VIP slot for his anniversary concert ay almost sold-out na.
Alden's Reality (AR) is produced by Synergy: A GMA Collaboration.
Related content:
BTS: At Alden Richards's promo shoot for his 10th showbiz anniversary celebration