GMA Logo Five Breakups and a Romance, Alden Richards, Julia Montes
What's Hot

Alden Richards, Julia Montes may na-realize sa kanilang film

By EJ Chua
Published September 22, 2023 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Five Breakups and a Romance, Alden Richards, Julia Montes


Ano kaya ang nakuha nina Alden Richards at Julia Montes mula sa characters nila sa 'Five Breakups and a Romance'? Alamin dito.

Bumubuhos na ang excitement ng fans nina Alden Richards at Julia Montes sa nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahang movie nila na Five Breakups and a Romance.

Kamakailan lang, pinag-usapan ang intense na eksena nina Alden at Julia sa scene drop na agad na nag-trending sa social media.

Sa showbiz online show na Updated with Nelson Canlas, napanood bilang guests ang lead stars ng upcoming romance drama film.

Sa naging panayam ng host na si Nelson kina Alden at Julia, ibinahagi nila ang ilang realizations nila mula sa characters nila na sina Lance at Justine.

Para kay Julia, iba't ibang lessons ang nakuha niya matapos niyang mag-portray bilang si Justine.

Sabi ng aktres, “Ako ang big lessons sa akin as Justine, you can plan as many as you can, as you want pero sometimes your plan is not the perfect plan.”

“In God's perfect time talaga and this project made me feel na parang may mga puwede pa akong maramdaman, magawa na hindi ko tinitingnan before or hindi ko nakikita 'yung worth, pero ngayon naramdaman ko at naparamdam ng team at naparamdam nila sa akin. So iyon 'yong take away ko talaga dito sa film na 'to,” dagdag pa niya.

Para naman sa Asia's Multimedia Star na si Alden, tila simple ngunit mabigat ang natutunan at nakuha niya mula sa character niya sa pelikula na si Lance.

Pagbabahagi niya, “Yes, ako naman as Lance parang yes masarap ma-inlove pero hindi sa lahat ng pagkakataon sagot ang pag-ibig.”

Sabay-sabay nating panoorin ang Five Breakups and a Romance, ang pelikulang isinulat at idinirek ni Direk Irene Villamor.

Sa darating na October 18, mapapanood na ito sa lahat ng cinemas nationwide.