Article Inside Page
Showbiz News
Ibinahagi ni Carla sa kanyang Instagram account ang litrato ni Alden kung saan naghahanda ito sa pagsali sa bazaar.
By ANN CHARMAINE AQUINO
Sa nalalapit na Noel Bazaar, makakasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa pagtulong sa GMA Kapuso Foundation.
Ibinahagi ni Carla sa kanyang Instagram account ang litrato ni Alden kung saan naghahanda ito sa pagsali sa bazaar. Aniya, "Marami kayong dapat abangan! Tingnan niyo nga naman, sa taong nasa picture palang at sa mga gamit na dinonate niya, tiyak gugustuhin ninyong pumunta. Kaya naman nagpapasalamat kami ni @akosimangtomas at ng buong GMA Kapuso Foundation kay @aldenrichards02"
Dagdag ni Carla, maraming personal items ni Alden ang maaaring mabili mula sa kanila. Bukod dito, hands-on umano ang aktor sa kanyang gagawing pagtulong.
"Bukod sa nag donate siya ng marami niyang personal items, gusto niyang maging involved para makatulong talaga. Thank you so much, alden! God bless you!" pahayag ni Carla.
Ibinahagi rin ng aktres ang mga detalye para sa Noel Bazaar.
"Punta na sa World Trade Center sa November 26 to 30 at sa SMX Convention Center naman sa December 18 to 20 para sa Noel Bazaar at bumili na sa TOM AND CARLA'S CELEBRITY UKAY-UKAY. Nakabili na kayo, nakatulong pa kayo. See you there!"