
Hindi lamang kilig ang hatid ni Alden Richards sa Love, Siargao, kundi pati na rin good vibes sa fans at viewers.
Sa isang behind the scenes video na ibinahagi ng Viu Philippines, makikitang kinukulit at binibiro ni Alden ang kanyang co-star na si Nadine Lustre.
Sa video, pabirong hinahabol ni Alden si Nadine sa set ng serye.
Marami naman ang natuwa sa kakulitan ni Alden sa set. Ibinahagi rin ng fans at viewers ang kanilang pagkaaliw sa karakter ni Alden na si Jao sa Love, Siargao.
Mapapanood ang Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'