
Nakatanggap ng mainit na suporta mula sa fans at viewers ang pilot episode ng romantic comedy series na Love, Siargao na ipinalabas noong Biyernes, June 26.
Sa unang episode, umani ng positibong reaksyon ang serye dahil sa nakakakilig na kuwento nito, lalo na ang karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards bilang si Jao.
Kapansin-pansin din ang magandang chemistry nina Alden at Nadine Lustre, na ikinatuwa ng maraming manonood. Dahil dito, marami na ang excited at nag-aabang sa mga susunod na episode ng serye.
Nabighani rin ang viewers sa ganda ng Siargao, kaya naman marami ang nagpahayag sa social media na nais nilang bumisita sa isla.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa pilot episode ng Love, Siargao:
Kasama rin sa cast ng serye sina Coleen Garcia, Kim Ji Soo, Kyline Alcantara, AZ Martinez, Vince Maristela, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'