
Pansin talaga ang closeness ni Alden Richards sa kanyang kapatid na si Riza Faulkerson nang maglaro ang dalawa sa Celebrity Bluff episode na mapapanood ngayong Sabado, April 10.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Samantala, celebrity siblings naman ang magsasama upang maki-“Fact” or “Bluff.” Tandem sina Alden at Riza, teammate ni Lauren Young ang kanyang kapatid na si Victor, at kakampi ni Aljur Abrenica ang kanyang kapatid na si Allen.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!