Maraming beses na naaksidente si Alden. Ikukwento niya sa 'Alisto' kung paano siya nakaligtas sa mga ito mamayang hapon.
By BEA RODRIGUEZ
Guest ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa Alisto mamayang 5:20 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.
Base sa report ni Arnold Clavio sa Unang Hirit, ikukuwento ng Kapuso actor ang kanyang mga naging karanasan sa aksidente sa totoong buhay.
“Nabangga na siya ng tricycle, motorsiklo at maging sa poste,” pagbunyag ng Alisto host.
Sa Eat Bulaga, ginagawa ni Alden ang mga hamon ni Lola Nidora upang makita si Yaya Dub. Mukhang hindi rin siya makakapalag sa mga ipapagawang hamon sa Part 1 ng kanyang guesting mamayang hapon.