
Naging makabuluhan para kay Asia's Multimedia Star Alden Richards ang kanyang first solo trip.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Martes, November 10, ibinahagi ni Alden na labis siyang nag-enjoy sa kanyang first solo trip sa Amanpulo. Dagdag pa niya, marami siyang naging realizations habang siya ay nasa bakasyon.
“In 15 years, going 16, it's my first ever solo trip without anyone with me. It's so liberating, and I plan on doing it more often,” sabi niya.
Ayon kay Alden, mas naging grateful at positive siya sa buhay matapos ang kanyang bakasyon.
“At the end of the day, noong nandoon ako, I was [in] a lot of realizations and contemplations. Hindi natatapos ang buhay hangga't humihinga ka, hangga't ginigising ka ni Lord every day, meron at merong something for you out there,” bahagi niya.
Dagdag pa ng aktor, “We have our own struggles. We have our own challenges, but let's be grateful. Look at the bright side of things because our life is someone else's dream.”
Ngunit, habang siya ay nasa bakasyon, ibinahagi ni Alden na nakatanggap siya ng malungkot na balita.
“Ayun lang, namatayan ako ng aso. Si Summer. That broke my heart,” aniya.
“Feeling ko kasi may certain parts of her sinalo niya 'yung mga nangyayari sa akin ngayon. So painful, but I know she is in a better place,” pahayag ni Alden.
Samantala, mapapanood naman si Alden sa upcoming medical drama series na Code Grey na ipapalabas soon sa GMA.
RELATED GALLERY: Alden Richards's most swoon-worthy photos