
May bagong 'look' si Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa kanyang ginagawang teleserye, ang The World Between Us.
Sa panayan ng GMA News showbiz reporter na si Lhar Santiago, ipinaliwanag ni Alden kung bakit niya kinailangan magpalit ng hairstyle.
Saad niya, "Ano po 'to because kakatapos lang po nung first lock-in namin for 'The World Between Us,' ito po 'yung look natin ngayon."
Makakasama ni Alden sa kanyang pagbabalik primetime sina Jasmine Curtis Smith at Tom Rodriguez.
Balikan ang nangyaring first lock-in taping ng The World Between Us dito:
Samantala, habang nag-iintay sa The World Between Us, mapapanood na ngayong Linggo, June 6, ang grand finale ng Centerstage pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.