
Tiwala si Asia's Multimedia Star Alden Richards na maninibago ang tingin sa kanya ng mga manonood dahil sa karakter niya sa upcoming telebabad show ng GMA na The World Between Us.
Kung sa mga nakalipas niyang teleserye ay parating "good boy" ang imahe ng mga karakter ni Alden, kakaibang ugali ang mapapanood kay Louie ng The World Between Us.
"'Yung role ko dito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay," patikim ni Alden sa kanyang karakter sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
"Kaya lang may mga unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits."
Makakasama ni Alden sa The World Between Us sina Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez, na gagampanan ang magkapatid na sina Lia at Brian.
Mapapanood na ang The World Between ngayong July sa GMA Telebabad.
Samantala, balikan ang mga nangyari sa first 'lock-in taping' ng The World Between Us: