GMA Logo Alden Richards depression
Photo source: 24 Oras
Celebrity Life

Alden Richards, may mabigat na pinagdaanan noong 2024

By Karen Juliane Crucillo
Published May 23, 2025 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards depression


Inamin ni Alden Richards na dumaan siya sa pinakamabigat na yugto ng kanyang buhay noong nakaraang taon.

Ngayong taon, buong tapang nang hinarap ni Alden Richards ang mga mabibigat na pinagdaanan niya noong nakaraang taon.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, May 22, emosyonal na ikinuwento ni Asia's Multimedia Star ang chapter ng kanyang buhay na napunta siya sa "rock bottom."

“Kung may mababa pa sa rock bottom, I was there,” pag-bungad ni Alden.

"I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that. Hindi naman siya clinically diagnosed but that was depression at its finest. That was depression, ang galing nga 'e, hindi lang halata," pag-amin ng aktor.

Inamin ng Stars on the Floor host na nahirapan ito pag-usapan noon dahil ayaw nito magpakita ng kahinaan.

Hindi din inaakala ni Alden na ang kaniyang pagiging mapagbigay ay magdudulot ng maraming katanungan sa kaniyang sarili.

Ikinuwento ni Alden, “Inuuna ko muna lahat ng tao bago yung sarili ko. But last year, I think that was my breaking point kasi minsan, di ba tayo, we always go out of our way to help other people? Tulong, tulong, bigay, bigay, ang nangyari, paglingon ko doon sa timba ko, wala na pa lang natira sa akin and that broke [me] into a million pieces.”

Kaya naman ngayon mas pinagtutuunan na niya ng pansin ang self-love at kaligayahan na nakukuha niya sa running, biking, at mga bagay na matagal na niyang gustong gawin.

Inalala din ni Alden na napuno siya ng "negative thoughts" noon kahit maraming nagmamahal sa kaniya dahil hindi niya ma-proseso ng tama ang kaniyang emosyon.

Dagdag nito, "It's been very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito.”

Naitanong naman kay Alden ang status ng kaniyang love life ngunit ang sabi ng aktor ay hindi niya raw maintindihan kung bakit ito ang ginagawang basehan ng pagiging masaya.

"It's just... this is my story and this is how I want my story to be told and not based on the presumption of other people. I am so done with that. I've been here long enough. I know I have done so much for the industry and I would like to do more for the industry right now," paliwanag ni Alden.

Maliban sa pagiging busy sa kaniyang fitness era, babalik muli si Alden sa telebisyon bilang host ng dance reality competition na Stars on the Floor.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June sa GMA.

Samantala, tingnan dito ang iba pang mga celebrities na nag-open ng kanilang mental health struggles: