
Muling bumisita ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa It's Showtime ngayong Sabado (July 13).
Masayang binati ng Pulang Araw star ang hosts ng noontime variety show pati ang mga manonood sa loob ng studio.
Ibinahagi ng Sparkle star na abala siya ngayon sa taping ng upcoming family drama series na Pulang Araw at naghahanda na rin siya para sa pelikulang Hello, Love, Again.
Tinanong naman ng host na si Vhong Navarro kung paano naasikaso ni Alden ang kanyang sarili sa gitna ng kanyang busy schedule.
“Ang kailangan natin talaga, Kuya Vhong, minsan siyempre kahit papaano, pero medyo mahirap pala makuha ngayon, 'yung pahinga, pahinga lang. Pero nag-e-enjoy naman tayo sa ginagawa natin,” aniya.
Hirit naman ni Kim Chiu sa aktor, “Pero parang may inspirasyon ka naman ngayon, Alden.”
“'Yun ang gusto kong malaman,” dagdag naman ni Vhong.
“Parang 'yun talaga patutunguhan ng tanong ni Kuya Vhong,” sabi pa ni Kim.
Hirit pa niya ulit, “Meron ka bang message sa inspirasyon mo ngayon?”
“Sa mga nagbibigay inspirasyon sa akin, maraming salamat sa inyo dahil kayo ang bumubuhay sa aking ginagawa at nag-e-enjoy naman ako siyempre, at least para makita naman at ma-proud sa akin 'yung mga tao 'to,” ani Alden.
Samantala, mapapanood na ang Pulang Araw simula July 29 sa GMA Prime. Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kasama rin dito si Dennis Trillo in a very special role.
Related gallery: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.