
Ibinahagi ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang ilan sa kaniyang mga susunod na proyekto na dapat abangan ng fans ngayong 2023.
Sa isang media roundtable noong Sabado, sinabi ng Kapuso star na ang first quarter ay inilaan nila para sa pagpaplano ng mga projects niya ngayong taon.
“Itong first quarter kasi ng 2023 was more really about planning and plotting out what's next for me for this year,” ani Alden.
Ayon sa kaniya ay may nakaline-up na siya na bagong hosting show at dalawang pelikula.
“With GMA, I'll be having a new hosting show… For now, there are two confirmed movies that will be shot here and abroad,” dagdag ni Alden.
Dagdag pa ni Alden ay may mga nakalinya rin silang plano para sa kaniyang bagong production company na Myriad Corporation.
Kamakailan lamang ay pinarangalan bilang “Gaming Community Positive Influencer Of The Year” si Alden sa naganap na Philippine Esports Awards sa Quezon City.
Si Alden rin ay muli nang mapapanood sa longest running noontime show na Eat Bulaga.
SAMANTALA, SILIPIN ANG UNANG BEACH AND REEF CLEANUP DRIVE EXPERIENCE NI ALDEN DITO: