
Matapos ipagdiwang ang kanyang ika-10 showbiz anniversary, hindi pa rin nauubusan ng proyekto ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Alden Richards IG
Noong December 8, idinaos ang unang virtual reality concert sa bansa, ang 'Alden's Reality,' na isang landmark celebration ni Alden para kanyang sampung taon sa industriya at sa panahon ng new normal. Nitong Linggo, January 17, nagkaroon ng isa pang pagkakataon ang kanyang mga tagasuporta na mapanood ito nang ipalabas ang TV special nito sa GMA Network.
Ani Alden, “Grateful po ako. At least nagkaroon ng chance mapanood ng mga hindi nakabili ng tickets 'yung concert last night and sana nagustuhan nila.”
Katatapos lang ng kanyang celebration ngunit tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang Kapuso star. Sa katunayan, dapat ding abangan ng kanyang fans ang pagbabalik ng Centerstage Kids at pati na ang kanyang bagong pelikula.
Wika niya, “Magbabalik na po 'yung Centerstage Kids and so far, All Out Sundays and Eat Bulaga. And then, I'll be doing a movie.”
Nakapanayam ng 24 Oras si Alden nang dumalo ang aktor sa ginanap na Sikhayan Festival sa kanyang hometown sa Sta. Rosa, Laguna. Ang pagdalo sa pistang ito ay panata na raw ng Asia's Multimedia Star.
Samantala, sa exclusive interview ni Alden sa GMANetwork.com, ikinuwento rin niyang nais niyang makasungkit ng international acting roles ngayong bagong taon.
Balikan ang best photos ni Alden noong 2020 sa gallery sa ibaba: