
Ilang linggo na lang ay mapapanood na ang pinakainaabangang 15th anniversary fan meeting ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Gaganapin ang ARXV: Moving ForwARd - The Alden Richards Ultimate Fanmeet ngayong December 13 sa Sta. Rosa Laguna Multi-Purpose Complex.
Sa 24 Oras report noong Biyernes, November 28, nagbigay ng kaunting patikim si Alden sa dapat abangan sa nasabing fan meeting at sinabing mahalaga ito sa kanya.
“This is very important to me since it's a milestone, since it's my 15th year anniversary, so I want all the details and decisions made for this event to be made galing sa kaibuturan ng puso naming lahat,” ani ng aktor.
Ayon pa sa kanya, “This is an event of gratitude, of appreciation, and of highlighting the people who were part of my 15 years in the industry.”
Kuwento pa ng aktor, mayroon ding miyembro ng kaniyang pamilya ang magtatanghal sa nasabing fan meeting.
Mabibili ang tickets sa fan meeting ni Alden sa https://arxv.helixpay.ph/
RELATED GALLERY: ALDEN RICHARDS CAREER HIGHLIGHTS