
Kaisa si Alden Richards ng Department of Health at health workers sa panawagang maging tapat sa travel at medical history kung kokonsulta sa doktor ngayong panahon ng COVID-19 crisis.
Isang public service announcement para sa mga Kapuso ang ibinahagi ni Alden sa kanyang Instagram account.
Mensahe niya, “Hinihikayat po tayo ng Department of Health na sana po maging totoo po tayo, maging honest po tayo sa mga tanong, question, at requirements po para malaman natin kung positibo ba tayo o hindi sa COVID-19.
“Please disclose every travel history, exposure to the virus, kung meron man po kayong nakahalubilo o nakasalamuha na merong sakit, na merong COVID-19, sana po ay ipagbigay-alam po natin ito agad sa mga kinauukulan. Kasi hindi lang po buhay ninyo ang maaaring mailigtas, makakapagligtas pa po kayo ng maraming kababayan natin.”
Panoorin:
Maliban kay Alden, ilang Kapuso stars na rin ang nagpaabot ng ganitong paalala upang sugpuin ang lalong pagkalat ng COVID-19. Kabilang dito sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, at Klea Pineda.
Ang kanilang panawagan ay bilang tugon na rin sa mga doktor, nurse, at ibang health care workers na nalalagay sa panganib dahil sa hindi kumpleto o maling impormasyon na natatanggap mula sa mga pasiyenteng positibo pala sa COVID-19.
TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19