Abangan ang gagawin ng ating Chef Boy Next Door sa Linggo.
By CHERRY SUN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Bukod sa longest-running noontime show na Eat Bulaga ay mapapanood din si Alden Richards sa comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
Ngayong darating na Linggo, September 20, ay kaabang-abang ang gagawing special number ng Pambansang Bae. Ipinakita rin sa Unang Balita ang kuha ng GMA News kay Alden na nagre-record ng kanyang aawitin.
Ang ‘Chef Boy Next Door’ ang sariling segment ng Kapuso actor sa Sunday PinaSaya. Kasama rin niya rito ang theater actor na si Jerald Napoles.