
Talagang ready na si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa bagong chapter ng kanyang buhay.
Pinagkakaabalahan kamakailan ng aktor ang pag-pursue ng iba't ibang bagong hobbies at passions bukod sa pag-arte.
Nariyan ang fitness activities tulad ng cycling at running na kinahihiligan niya ngayon.
Sinusubukan din niya ang pagiging gamer at producer sa pamamagitan ng kanyang multimedia company na Myriad Corporation.
Dagdag sa mga ito ang pagtupad ng pangarap niyang maging piloto.
Sa isang nakaraang interview, ibinahagi ni Alden na nakatanggap siya ng alok para sa scholarship mula sa isang aviation school.
Ngayon, ibinahagi ni Alden na bumisita siya sa Alpha Aviation Group, isang aviation school sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga.
Sinilip niya rito ang ilang pasilidad tulad ng flight simulation training pod kung saan maaaring magsanay ang isang estudyante na tila nasa cockpit ng isang eroplano.
"Reaching new heights, one flight at a time. ✈️," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Kasama ni Alden sa pagbisita sa paaralan ang tatay niyang si Richard Faulkerson na minsan ay nangarap din maging piloto.
"It has been my dad's dream also. Personal dream niya to be a pilot. So, sabi ko, 'Sige, Dad, since 59 ka na, ako na lang.' Hopefully, kung kaya, this year matapos ko 'yung course. Then, lipad-lipad na tayo," lahad niya sa isang nakaraang interview.
Nag-post din si Daddy Bae ng video ng unang sabak ni Alden sa flight simulator.
"Our Future Pilot," saad niya sa caption.
SILIPIN ANG MGA CELEBRITIES NA LICENSED PILOTS DITO SA GALLERY NA ITO: