GMA Logo Alden Richards
What's Hot

Alden Richards, nagdirek sa 'Five Breakups and a Romance?'

By EJ Chua
Published September 27, 2023 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 130 families in Tent City in Cebu get Christmas gifts
Tindera reveal ng TikToker, plot twist na kinaaliwan ng netizens | GMA Integrated Newsfeed
'Love You So Bad,' ngayong December 25 na

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Mismong si Alden Richards ang nagdirek sa isa sa mga eksena nila ni Julia Montes sa 'Five Breakups and a Romance.'

Sa darating na October 18, mapapanood na sa big screens worldwide ang Five Breakups and a Romance, ang romance drama film na nabuo sa ilalim ng direksyon ni Direk Irene Villamor.

Ngunit bukod kay Direk Irene, isa pa palang indibidwal ang nag-ambag din sa pagdi-direk sa ilang eksena sa pelikula.

Walang iba kundi ang tinaguriang Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden Richards, na isa rin sa lead stars nito.

Ang Five Breakups and a Romance ay ang kauna-unahang proyektong pagtatambalan nina Alden at Julia Montes.

Sa isang eksena nila sa upcoming film, hindi lang acting skills ang ipinakita ni Alden kundi pati na rin ang kakayahan niyang mag-direk.


Sa Chika Minute report sa 24 Oras na napanood nito lamang September 26, masayang ikinuwento ni Alden na mayroong isang eksena na siya mismo ang nag-direk.

Pagbabahagi niya, “Direk Irene [Villamor] came up to me nasa Singapore kami nun, idirek mo 'yan… tapos umalis.”

Mabilis namang sagot ni Alden kay Direk, “Ok po.”

Paliwanag niya, “Tayo agad ako… Pupuntahan namin 'yung location, babasahin namin 'yung script. Ano 'yung elements na incorporated sa script na pwedeng maging additional detail for the scene? The framings, the blockings of the actors, lahat 'yun. Parang sumobra nga 'yung constrained sa akin doon kasi location kami, umuulan, challenging… ang sarap.”

“Ire-reveal ko kapag lumabas na 'yung movie kung anong part 'yung idinirek ko,” pahapyaw pa ni Alden.

Bago pa ito, ginulat ni Alden ang kanyang fans sa isang mabigat na announcement.

Ito ay ang pagtanggap niya sa responsibilidad bilang bagong miyembro ng Board of Trustees ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. o MOWELFUND.

Samantala, sa darating na September 30, maaaring maki-group study ang fans kay Alden.

Narito ang ilang detalye sa kanyang upcoming event sa Marquee Mall, Pampanga.