
Level up na ang fitness game ni Alden Richards dahil handa na siyang lumahok sa isang long-distance triathlon race.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Martes, January 27, ibinahagi ni Asia's Multimedia Star ang kanyang paghahanda para sa sasalihang triathlon sa March sa Davao City.
“Excited ako, and I don't know what to feel kasi parang I need to train for this,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “And kumbaga ito 'yung isa sa mga ways of showing na 'yung cycling journey ko kung paano siya nag-benefit all throughout my training days.”
Ibinahagi ni Alden na isa sa kanyang paghahanda para sa kompetisyon ay ang pagbabawas ng timbang.
Makakasama ni Alden ang content creators na sina Nico Bolzico at Will Dasovich sa Team Relay. Si Will ang nakatalaga sa swimming, si Nico sa running, at si Alden naman sa cycling leg.
Kahit abala sa kanyang mga proyekto, aminado ang aktor na binibigyan niya ng oras ang lahat ng pinagkakaabalahan niya.
“There's always time for everything, and hindi kasi biro to participate in big races like this, and Iron Man is a very well-known race franchise globally,” paliwanag niya.
Nagsimula si Alden sa running at cycling noong nakaraang taon. Nakasama niya sa kanyang fitness journey ang fellow Kapuso artists na sina Barbie Forteza at Kristoffer Martin.
Mapapanood si Alden sa pagbabalik niya bilang host sa Stars on the Floor 2026.
Abangan ang Stars on the Floor 2026 sa February 15 sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED GALLERY: Alden Richards' must-see athleisure looks