GMA Logo Alden Richards
Photo source: 24 Oras
What's Hot

Alden Richards, naghatid ng inspirasyon sa mga OFW sa Hong Kong bilang OWWA ambassador

By Karen Juliane Crucillo
Published November 11, 2025 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Nagpakita ng malasakit si Alden Richards sa mental health ng mga OFW sa Hong Kong bilang OWWA ambassador.

Nanatiling pangunahing adbokasiya ni Alden Richards ang mental health, lalo na ngayong isa siya sa mga ambassador ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration.

Sa report ni Athena Imperial para sa 24 Oras noong Lunes, November 10, naki-bonding ang Asia's Multimedia Star sa mga OFW sa Hong Kong upang pagtibayin ang kahalagahan ng mental health, lalo na't matagal na silang nawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Mahirap siya kasi walang ibang laban 'yung individuals kundi ang sarili nila, and based on experience po, I've been there, so I know how it feels,” pahayag ni Alden.

Ibinahagi ng aktor na maraming OFWs ang dumaraan sa “dark moments” ng kanilang buhay, kaya mahalaga na isulong ang adbokasiya ng mental health.

“Kasi may mga iba po na dumadaan sa dark moments ng buhay nila [na] hindi nila alam na nakaka-experience na pala sila ng mental health issues,” paliwanag niya.

Mas pinaigting ni Alden na maipadama sa mga OFW na hindi sila nag-iisa sa ganitong klaseng sitwasyon.

“Mahirap kasi na mag-isa, mahirap maramdamang mag-isa ka at mahirap na ipinaparamdam sa 'yo ng ibang tao na mag-isa ka lang, so nandito ang OWWA,” aniya.

Samantala, magiging abala rin si Alden sa December para sa kanyang 15th anniversary sa showbiz.

Ayon sa aktor, may inihanda siyang “Care-avan” na maghahatid ng tulong sa mga charitable institutions.

Bukod dito, gaganapin din ang kanyang fan meeting, ang ARXV: Moving ForwARd, na tinawag nilang “Ultimate Fanmeet Experience".

RELATED GALLERY: Celebrities who are advocates of mental health