
Sa panahon ng sakuna, nagpakita ng tunay na malasakit si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Lunes, July 28, personal na nagbigay ng tulong si Alden sa mga binaha sa Malolos, Bulacan.
"I need to get out of my way and help," sabi nito na may hangarin talagang makamusta at makausap ang mga residenteng biktima ng baha.
Kahit pa busy ang schedule ng Stars on the Floor host, paglalaanan pa din daw nito ng oras ang pagbigay tulong sa mga apektado ng bagyo.
"Ay wala, walang ganon. Sino sino pa ba ang magtutulungan kundi mga tayo lang mga Pinoy 'di ba," sagot ng aktor nang tanungin tungkol sa kanyang busy schedule.
Katulad ni Alden, nagsagawa din ng relief operations ang PBB housemates na sina Mika Salamanca, Dustin Yu, Bianca De Vera, at AZ Martinez.
Samantala, nagpaabot naman ng suporta sa mga may cleft lip at palate ang co-star ni Alden sa Stars on the Floor na si Marian Rivera.
Kamakailan lamang, ginawaran si Alden ng Box Office Hero award sa 8th EDDYs para sa kanyang 2024 film na Hello, Love, Again.
Mapapanood si Alden sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Panoorin ang balita dito:
Samantala, narito ang ilan pang celebrities na laging handang tumulong sa tuwing may bagyo: