What's Hot

Alden Richards, naging emosyonal nang mapasali sa international film festival

By Marah Ruiz
Published June 15, 2025 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


Naging emosyonal si Alden Richards nang mapasali ang kanyang directorial debut film sa isang international film festival.

Isang film director na rin si Asia's Multimedia Star Alden Richards!

Magiging directorial debut niya ang upcoming movie na Out of Order na co-production ng Viva Films at kanyang multimedia company na Myriad Corporation.

Bukod sa pagiging direktor at producer, si Alden din ang bibida sa pelikula, kasama sina Heaven Peralejo at veteran actor Nonie Buencamino.

Iikot ang kuwento ng Out of Order sa isang baguhang abogado na mapipilitang ipagtanggol sa korte ang kanyang estranged father--isang batikang abugado na naaakusahan ng murder. Sa paghawak niya ng kaso, muling magku-krus ang landas nila ng kanyang ex-girlfriend na isa na ngayong mahusay na public prosecutor.

Magiging bahagi ito ng 3rd Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam, na gaganapanin sa June 29 hanggang July 5.

Ayon kay Alden, naging emosyonal siya nang maging bahagi ng international film festival na ito.

"Umiyak ako niyan in secret when I got the news. They were very glad to know na ito 'yung very first directorial job ko. It's a newbie director and they're a fan of that. Gustung gusto nila 'yung new blood. Hopefully sana, kahit papano, manalo tayo ng award," lahad ni Alden.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Samantala, mas bumuti na rin daw ang lagay ng mental health ni Alden kamakailan matapos ang matinding pinagdaanan noong nakaraang taon.

Bahagi ng pangangalaga ni Alden sa kanyang mental health ang iba't ibang sports tulad ng running at biking na lubos niyang kinahihiligan ngayon.

"During my lowest, pinipilit ko siya. Even with the days na ayokong bumangon, pinipilit ko siya until such time na hinahanap na siya ng katawan ko. Right now, I'm more present. I'm more present for myself so I can present for other people," paggunita niya.

KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAHIHILIG SA RUNNING TULAD NI ALDEN RICHARDS:

Bukod sa physical activities, natutunan na rin daw ni Alden ma gawing priority ang personal wellbeing at goals niya.

"Always treat yourself and make yourself feel special. Do not forget that," paalala ng aktor.

Patuloy naman ang pagbuhos ng blessings para kay Alden matapos pumirma ng kontrata bilang endorser ng isang malaking snack and food brand.

Nakatakda rin siyang pumunta sa Amerika para sa isang pang pelikula.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.